Liham mula kay Soledad para sa aking ika-18
Araw rin 'to ng mga mangagawa. Mayo Uno. Dapat, nasa lansangan tayo para makiisa sa pagtatanggal ng endo. Per Kulangot. Kahit kailan, hindi kita nirespeto bilang EIC o mas nakatatalino dahil mas mataas ka ng rank sa'kin kasi, para sa'kin, hindi ikaw ang Chritine na iginagalang ng marami. Ikaw ang Chritine na naamoy ko ang lahat ng baho at siyempre, nakidungis din sa putik mo sa mukha. Ikaw 'yung kulangot na ipinahid na sa pader, aba, sumasama pa rin sa daliri. Ikaw 'yung tae sa banyo na ayaw lumubog kasi, ewan, tinubol ata ako no'n. Ikaw 'yung ingrown sa kuko na kahit ilang beses ipalinis, matindi, tumutubo pa ring lintik ka. Ikaw 'yung...kahit gano'n lang ang tingin sa sarili, tinuring kong mahalagang bahagi ng araw-araw ko. At 18 ka na, so, legal ka na. Magtino na tayo sa pagtawid. Baka masita tayo ng J-Walking. Mahirap nang matulog sa presinto. Mahal kita. 'Lam mo 'yan. God bless. P.S. Surprise mo naman ako sa debut ko. Biro lang.