Posts

Showing posts from 2021

JP (1)

 Pangalawang gabi ng hindi natin pag-uusap Masakit. Sinasanay mo na yata akong mag-isa Sa kagandahan ng buwan kanina, ikaw ang nasa hinagap Magiging mas kabigha-bighani siguro kung nandyan ka Kung katulad ng dati, ay nasasabihan ka Kung gaano kaakit-akit ang mga bagay sa pagitan man ng ilang milya Pero, malayo ka na Mas malayo pa sa Laguna--kung saan ka nakatira Mas malayo pa siguro sa pagitan ko at ng mga tala kanina Hindi ko na alam kung ni ang panaginip ko ay maaabot ka pa Alam mo, natatakot na ko Kasi, nababatid ko na ang tuluyan mong paglaho Habang natutulog ka nang mahimbing, sana Sana maipahinga ko rin ang mga mata ko katulad mo Sana naipapahinga ko rin ang isip, Sana naipapahinga ko rin ang puso ko Sana umaga na Sana sumikat na ang umaga, ulit Kasi sa umaga ko nalang nararamdaman ang kapayapaan  ng puso, isip, at diwa. Umaga ko nalang nararamdaman ang pag-ibig na sana ay maibalik pa Tatlong araw ko nang pinagsisihan ang mga salita Na nasambit ng nanginginig na labi sa ...