Wag kang mag-alala, Takot na 'ko Hindi dahil sa'yo

Wag ka nang mag-alala, takot na 'ko Hindi na ulit ako magnanakaw ng tingin sa'yo Dahil...dahil...likas na sa panahong ito ang paglayo At anong haba man ng mga usapan, matatapos din sa dulo Anong saya man ng takbo ng ating paglalandian, magsasawa rin ang isa —maghahanap pa rin ng iba, dahil hindi ako 'siya' ,di ba? Wag kang mag-alala, takot na 'ko Hindi na ulit ako sadyang lilingon sa dako mo Dahil...dahil...masakit, na sa tuwing haharap, iba na naman ang nakatawag ng interes mo At anong ganda man ng suot ko, kukupas na rin ang kulay dahil ilang araw lang ang bibilangin para mawala ang tingkad nito para sayo Wag ka nang mag-alala, takot na 'ko Hindi na magsisimula ng paksa at sasagutin lang ng "Ewan ko" Dahil... dahil...magmumukha na naman akong tanga sa'yo At sukdulan man ang katangahan na 'to, walang epekto dahil sa mahal mo, mahal ko Wag kang mag-alala, takot na 'ko Hindi na kailangang sagutin ang naipong mga tanong ko Dahil...dahil...dahan dahan nang maglalakad patungo sa kabilang dulong kabilang ako Laya ka na, bibitaw na, kahit na ni tapik, di nagawa Wag kang mag-alala, takot na 'ko Hindi ko na susundan ng tingin ang paglakad mo palayo Dahil...dahil...baka mahalata mo sa iyong pagbabalik-tanaw Na hindi lang riles ang nadaanan mo Ako, nilagpasan mo Wag kang mag-alala, takot na 'ko Hindi na magpapakalunod sa malamlam na mga mata mo Dahil...dahil...baka sa susunod, di na 'ko makaahon Wala pa namang tutulong, sariling buhat para di gustuhing tumira na lang sa loob ng iyong mundo hanggang dapithapon Wag ka nang mag-alala, takot na 'ko Hindi na aaraw-arawin ang pananatili sa pahina mo Dahil...dahil...baka may ibang matamaan sa likod na pinapakita mo Baka magalit ang iba pang humahanga sa'yo dahil matamang nagpapapansin ako At Oo, mahal, Wag ka nang mag-alala, takot na 'ko Hindi na ako naniniwala sa mga sinumpaang pangako Dahil...dahil...nakita kong sa kanang mata ng aking ina pumatak ang unang luha Masakit daw pala maloko nilang dalawa Nakakamatay na malamang hindi daw siya ang unang minahal ng aking ama Sobrang kirot daw nang malamang pinagkaisahan siya sa likod ng kanyang mata Kaya wag ka nang mag-alala, takot na 'ko Hindi ko nanaising maranasan ang sumpa sa likod ng mga pangako Hindi din gugustuhing maloko at ipagpalit sa nauna nang kinatagpo Kaya ngayong wala naman akong laban, Wag na suklian ng ngiti ang mga ngiti ko Wag na sagutin ang mga tanong ko Wag na palitan ng kasinungalingan ang mga bagay para di masakit sa loob ko Gusto ko ng totoo . Itutuloy pa ba? Tuloy. Wag ka nang mag-alala,takot na 'ko Hindi na lang dahil sa'yo Di mo alam na nasa iyo na 'ko At bibitaw na Natakot na ko. Tapos na.

Comments

Popular posts from this blog

A Fairy Song Analysis by William Shakespeare

Liham mula kay Soledad para sa aking ika-18

JP (1)