JP (1)

 Pangalawang gabi ng hindi natin pag-uusap

Masakit. Sinasanay mo na yata akong mag-isa

Sa kagandahan ng buwan kanina, ikaw ang nasa hinagap

Magiging mas kabigha-bighani siguro kung nandyan ka

Kung katulad ng dati, ay nasasabihan ka

Kung gaano kaakit-akit ang mga bagay sa pagitan man ng ilang milya


Pero, malayo ka na

Mas malayo pa sa Laguna--kung saan ka nakatira

Mas malayo pa siguro sa pagitan ko at ng mga tala kanina

Hindi ko na alam kung ni ang panaginip ko ay maaabot ka pa


Alam mo, natatakot na ko

Kasi, nababatid ko na ang tuluyan mong paglaho

Habang natutulog ka nang mahimbing, sana

Sana maipahinga ko rin ang mga mata ko

katulad mo

Sana naipapahinga ko rin ang isip,

Sana naipapahinga ko rin ang puso ko


Sana umaga na

Sana sumikat na ang umaga, ulit


Kasi sa umaga ko nalang nararamdaman ang kapayapaan 

ng puso, isip, at diwa.

Umaga ko nalang nararamdaman ang pag-ibig na sana ay maibalik pa


Tatlong araw ko nang pinagsisihan ang mga salita

Na nasambit ng nanginginig na labi sa loob ng tatlong minuto


Mahal, takot na ko sa gabi. 

Kahit ang ganda ng buwan, 

Takot ako na dadating na naman ang panahon

Na aasa na naman akong aalayan mo ng atensyon at oras


Dadating din ang panahon at ang buwan 

Na tatahan na ang aking mata sa pagpapakawala ng luha

dulot ng lamig at katahimikan ng gabi


Dadating din ang panahon, 

makakapagpahinga din ang puso ko muli.





 

Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

A Fairy Song Analysis by William Shakespeare

Liham mula kay Soledad para sa aking ika-18