Pagkasanay sa Takot

Apoy,yung literal na apoy na sumusunog ng buhay
Alon ng dagat at hampas nito sa gitna ng kawalan
Bumubuong mga elemento ng mundo
Mga bagay na hindi malalabanan at aminado ako

Matataas na lugar at may ritmo ng paggalaw
Epidemya ng sakit,zombie,alien,robot na sa laki'y di matanaw
Iyak at hiyaw ng dalamhati,bagyo,unos at aswang
Mga nakita,narinig,naramdaman—lahat ay kababalaghan

Di nga lang ito ang mga naranasan ko
Sigurado, may mas lalala pa dito
At alam siguro ito ng katulad kong tao—
Ang maiwan.

Maiwan.
     dahil di ka mahalaga at may mas hihigit pa
     dahil sa iyo,wala naman siyang napala
     dahil masaya sigurong manakit sa taong minsan nang naging sira
     dahil mahina ka at wala kang nagawa noong kumaway siya bigla

Pero, alam mo anong mas nakakatakot?
Yung araw na hindi ko inalintana ang sakit,ang pagod
Hindi na alintana kung may masasabi pa ba ang labi nilang pudpod
Wala na sa akin ang pakialam, tanga na kung tanga
Nakakapanibago man pero kailangang ipilit na hindi nalang makaramdam

Hinanap ko ang lahat ng ikaw na dapat mahalin
Hinanap ko ang mga bagay na hindi ko na makita dahil hilam na ang mata sa luha
Hinanap ko kung bakit ba kailangan pa kita
Wala akong makita,di dahil sa lumalabong mata
Kaya,tinanggap ko ang lahat ng sakit—buong-buo,at ngayon,wasak

Wala na naman ang kagustuhang mabuhay
Namanhid na naman,nawalan ng pakialam
Kinalimutan ang sarili,halaga at ayaw na sanang umiyak pa
Pero paulit-ulit ko mang sabihin,wala ring halaga

Sa totoo lang,binago mo ako,hindi na ako ito
Naging rosas akong hinangaan,tinitigan,pinitas at tinalikuran
Walang katapangan dahil hindi naman kailangan
Nalanta sa pagdaan ng araw at nalagas nang lingid sa kaalaman

Mabubuhay sa susunod na siklo bilang dahon nalang
Yung hindi pinadanas ng iyong pagkamangha at pagmamahal
Nang mabuhay lang ng matiwasay at hindi naghihintay ng pansin kaninuman
Walang pagkatakot na mararamdaman sa pagiging dahon lang

Siguro nga, sanayan lang
Masasanay na lang, wala nang iba pang pagpipilian.



Comments

Popular posts from this blog

A Fairy Song Analysis by William Shakespeare

Liham mula kay Soledad para sa aking ika-18

JP (1)