See here:








(I am)
USED IN ENDINGS















PROLOGUE
What is the thing that was been used in endings? Maybe you think of things such as failed relationships or broken hearts. But going literal, what we found in every sentence’s ending is a period, a dot, a point — a Tuldok. Do we ever wonder how it ended being a symbol of limitation?
We often think periods as a sign of boundary—a line to end it all. But how about perceiving it the other way around?

















“The mystery of human existence lies not in just staying alive, but in finding something to live for.”




CHAPTER 1
by:Chritine
           

In a wide vastness of emptiness and darkness, wala kang ibang makikita kundi ang igloo na tinitirahan ng binatang si Tuldok. Si Tuldok ay naninirahan nang mag-isa na sumasabay lang sa flow in the soul of the only  known living planet in the cosmic universe, Planet Lobmys.
            Hindi niya alam kung saan siya nagmula, kung paano siya nabuo, at kung bakit nga ba siya nag-eexist sa planetang ito.
            “Hello? May iba pa bang katulad ko dito?” bigla niyang naitanong sa kawalan.
Alam niya namang walang sasagot dahil ni minsan sa buhay niya ay walang naman siyang nakitang kauri niya, katulad niyang Tuldok.
            Pero kahit na ganoon ang normal nang kaganapan, hindi pa rin siya nawawalan ng pag-asang isang araw ay may makakarinig din at makakasagot sa kaniyang mga katanungan.
             “Wala. Alam mo naming ilang beses na tayong umikot dito sa Lombys, wala namang ibang kauri mo dito,” sarkastikong sagot ni Tandang Pananong.
“Alien ka ‘ata e,” dagdag pa nito.
“Kailan ka ba titigil sa pagtatanong, Tuldok? Di ka pa ba napapagod umasa na may makakarinig sa’yo?”
And in that certain moment, he realized that he belonged nowhere – he didn’t have any place to go than being stuck at the vastness of Lobmys, except kung makakapunta siya sa nearby planet na tinawag niya nang Liwanag dahil masyado itong mailaw sa paningin niya na laging nakakatawag ng kanyang atensyon.
Tuldok felt that he has no purpose on living.
“Bakit pa ako nandito, TP? Bakit ba tayo nandito?” he exclaimed out of frustration.
Matagal-tagal na rin siyang di nagdadrama. Naipon na ang mga tanong sa isip niya at ngayo’y gusto nang kumawala ng mga iyon, kung kaya’t naibulalas niya ang mga salitang iyon.
             Dumidilim na at natatapos na ang araw nang wala na naman siyang nahanap na sagot sa kanyang mga katanungan. Nararamdaman niyang habang tumatagal ang mga araw ng pamamalagi niya sa Lobmys ay walang nangyayari sa naiipon nang kaguluhan sa isip niya.
            Dahil sa kawalan ng kasagutan, natapos na naman ang araw ni Tuldok nang nagigising sa wala at natutulog sa walang partikular na rason.
.
Kinabukasan, pagkagising ni Tuldok ay nakita niya ang kaibigang si Tandang Pananong na malungkot na naka-upo sa tapat ng kanyang tirahan, kaya’t nilapitan niya ito.
            “Hey, TP. Anong ginagawa mo diyan at mukhang malungkot ka, may nangyari ba sa’yo?” tanong ni Tuldok sa kaibigan.
             “Napa-isip kasi ako sa mga tanong mo kahapon, Tuldok,” malungkot na tugon ni Tandang Pananong.
            “Panibagong tanong na naman ang nabuo natin, pero kahit isang sagot sa milyong tanong, wala pang nasasagot. Hindi kaya may kailangan tayong gawin para mahanap yun? Maybe we can’t answer those questions through ourselves, maybe we need help. Baka kasi akala natin nasa atin lang ‘yung sagot, pero may iba pa lang magtuturo ‘non,” tugon ni Tuldok na ikinagulo ng utak ni Tandang Pananong.
             “Huh? Sino namang tutulong sa atin na masagot ‘yung mga katanungan mo sa buhay, eh tayong dalawa lang naman ang nandito, at ‘di naman lahat ng tanong mo at ang ibang tanong ko ay masasagot ko,” sabad ni Tandang Pananong.
            “Ayun na nga, kaya naka-isip ako ng idea. Maglalakbay tayo. Wala tayong makitang iba dito, kasi nandito lang tayo sa lugar na kinasanayan natin, malaki ang mundong Lobmys, malay mo sa himala may makita tayong ibang makakatulong sa atin,” ngiting sagot ni Tuldok kay Tandang Pananong na bakas pa rin sa mukha ang pagkalito

CHAPTER 2
by:Chritine


Dahil sa nagkasundo na sila Tuldok at Tandang Pananong na maglakbay, humayo na sila pagkasilang ulit ng bagong bukang-liwayway.
Sa kanilang paglalakad-lakad ay may nakita silang mga nilalang na hindi nila matukoy kung anong uri sapagkat hindi pa sila nakakita ng ganito sa tanang buhay nila.
Sa pagtataka nila ay biglang nagsalita ang isa sa mga ito.
             “Uy, ikaw, anong klaseng hayop ka?” biglang tanong ng hindi niya kauring nilalang.
            Lumingon-lingon pa si Tuldok at tumingin kay TP. Sumulyap sa kanya si TP na ngumunguso, meaning na pakinggan niya ang nagtatanong sa kanya.
“Nilalang, ikaw ang tinatanong ko. Anong klaseng hayop ka?,”pag-uusisa nito.
 Hayop ka nga bang kagaya namin?” ulit na tanong nito.
“Ah, ako ba? Ako si Tuldok pero hindi ko alam kung hayop ako,” sagot ni Tuldok.
            “Halata nga, base sa ayos mo, hindi ka naman mukhang naglalakad gamit ang mga kamay. By the way, sa ka nanggaling? I mean, where did you came from?” dagdag na tanong ng hayop na kausap niya.
 “Ang alam ko lang, planetang Lobmys ang pangalan ng planetang kintitirikan ng igloo ko,” sagot ni Tuldok.
            “Magulo ka ring kausap eh no, nasa Lobmys ka pa rin naman.Malaki ang Lombys, sadyang taliwas sa marahil na iniisip mo.Hindi mo ba alam na maganda ang mundong ito?” sabi ng hayop.
            “Paano mo naman nasabi iyon? Magulo ang mundong kinabibilangan natin. Hindi ko alam kung bakit nangyayari ang lahat ng mga bagay. Ni hindi ko nga alam ang purpose ko ,” usisa pa ni Tuldok.
             “Alam mo kaibigan, magulo nga minsan ang mundo,” sabad ng hayop na pumupunto ng pagsang-ayon.
            “Pero na sa mata mo ang panghuhusga sa mga nakikita mo. Kung gusto mong makakita ng maganda, change how you perceive beauty,” matalinhagang sabi ng hayop.
“Mga mali lang kasi ang karaniwang nakikita natin kaya mali lahat ang tingin natin,” dagdag pa nito.
            “Hindi pa pala kita kilala, Ano ang pangalan mo?” tanong ni Tuldok.
“Tawagin mo na lang akong Aput, ‘yun na ang nakasanayan kong tawag nila sa’kin. ‘Yun nga siguro ang pangalan ko,” sagot nito na naguguluhan kung matatawag nga bang pangalan ang tawag sa kanya.
             “Aput, mahirap na para sa akin na tingnan ang Lobmys sa paraang sinasabi mo dahil matagal akong nakulong sa circumference ng igloo ko, pero maganda ang suhestiyon mo at ita-try ko for a change,” sabi ni Tuldok sa kaharap.
Maganda nga siguro na baguhin ang pananaw sa mundong Lobmys, baka sa paraang iyon, mahanap niya ang mga sagot sa mga tanong niya.
            “Aput, paano ko ba gagawin ‘yun? ‘Yung pag-iiba ng tingin?” tanong ni Tuldok.
            “Wag mo akong intindihin literally, ang sinasabi ko lang ay look on the brighter side at ibahin mo ang iyong pananaw. Sabi nga nila, the beauty is in the eye of the beholder,” sabi ni Aput na medyo iritableng pinipilosopo siya ng bagong kakilala.
            “Marahil malalim nga ang ibig sabihin nun, ita-try ko na lang intindihin sa pagpapatuloy ko sa aming paglalakbay ng kasama kong di ko na mabanaag kung saan na napadpad, paalam na muna Aput. Salamat at nakilala kita,” biglang pamamaalam ni Tuldok.
            “Nararamdaman kong makikita mo rin ang hinahanap mo, paalam na rin, Tuldok,” sabay kaway ni Aput na bahagyang itinaas pa ang kanyang dalawang paa sa harap.
            “Mabuti’t nakaharap ko na rin ang dahilan ng lahat,” bulalas ng hayop nang umalis na ang kausap.
Bumalik na si ni Aput sa mga kaibigan niyang hayop kung saan ay i-kwen-en-to niya kaagad ang paghaharap nila ni Tuldok.
Abala pa rin si Tuldok sa paglalakad-lakad, masakit na ang kanyang mga paa dahil mistulang walang katapusan ang daang tinatahak niya. Malaki ang Lobmys sa pananaw niya at mistulang wala itong katapusan.
            “Saan ka na ba TP?” tanong niya na naman sa kawalan nang hindi niya makita ang kaibigang kasama niya sa kanilang paglalakbay.
“Nandito lang naman ako the whole time, di mo lang kasi ako pinapansin,” sabi ni TP matapos ang pabiglang paglabas niya mula sa kung saan.
 “So, nasa likod lang kita habang kausap ko si Aput?” tanong niya.
“Probably,” sagot ni TP na medyo pakipot.
Kaya naman naisipan na rin ni Tuldok na tanungin kung ano sa palagay niya ang ibig sabihin ni Aput sa mga sinabi nito.
                “TP, ano kaya ibig sabihin ni Aput ‘no?”
“Ah, yun bang karaniwan lang nating nakikita ay ang mga mali at the beauty is in the eye of the beholder?," sagot ni Tandang Pananong
"Oo, ayun nga, nakikinig ka naman pala eh, bakit parang 'di ka naguluhan, alam mo ba yung sagot?" tanong ni Tuldok sa kaibigan.
 "Hindi rin. Tumatak lang sakin yung mga sinabi ni Aput, parang ang ganda pakinggan no, kahit 'di mo maintindihan." sagot ni Tandang Pananong na bakas sa mukha ang bahagyang pagbungisngis.
 " Hay nako, ikaw talaga. Pero may punto ka naman na katatak-tatak nga sa isip yun. Pero feeling ko gusto niya iparating na maganda ang buhay at madaming maaring gawin. Madaming mangyayaring maganda sa buhay natin at kailangan natin yun' hintayin.” positibong tugon ni TP upang mabawasan ang kaguluhan sa isip ng kaibigan.“TP, parang ang lalim na hayop ni Aput 'no? Parang andami niya ng karanasan sa buhay, " sabay dagdag ni Tuldok nang ma-internalize niya na baka nga may meaning ang lahat beyond the words Aput uttered a while ago.


 Chapter 3
by: Joana Reyes



   Nagising si Tuldok at TP sanhi ng malakas ng kulog.Matatakutin si Tuldok sa kidlat, kaya naman agad si                    yang napatayo at napakapit kay Tandang Pananong.
"Tuldok, okay ka lang ba?" Pag-aalalang tanong ni Tandang Pananong sa kaibigan.
"T-TP nata..ta...kot ako," utal na sabi ni Tuldok,habang nagtatago sa likuran ni Tandang Pananong.
 "Hushhhh.. Huwag kana matakot, 'di naman kita iiwan eh. Mag stay ako sa tabi mo. Kulog at kidlat lang yan mas matapang tayo diyan diba?," pagpapatahan ni Tandang Pananong sa kanya
Tumingin si Tuldok sa kaibigan at ngumiti.
"Tama. Basta may masasandalan tayo at nandito ang isa't- isa, wala akong dapat ipag-alala."
"Ano, halika na? Umaga na o, kahit di natin tanaw si Haring araw. Bumalik na tayo sa tunay nating misyon—ang maglakbay at 'di matakot sa kulog at kidlat na parang sanggol," natatawang sabi ni Tandang Pananong.
 Sinimangutan naman siya ni Tuldok.
"Pag ikaw talaga natakot sa mga nilalang na pwede natin makita, sinasabi ko sa'yo," sabi nito habang umi-iling-iling pa.
Nagsimula muli maglakad ang dalawa pa-timog-kanluran, nang may makita si Tuldok na isang kakaibang nilalang sa isang bakanteng bahay.
"Huy, tuldok saan ka papunta? Dito tayo," sigaw ni Tandang Panong sa kaibigan, nang makita niya itong papunta sa bakanteng bahay.
"Teka, halika muna dito TP may nakita akong bagay doon, nasa lumang bahay eh."
 "Nako, natatakot na 'ko sa mga nakikita at kinikilos mo Tuldok ha? Sabihin mo nga sa akin, sobrang lungkot na ba talaga ng buhay mo, kaya nababaliw kana?," malungkot na pagbibiro ni Tandang Pananong.
"Puro ka talaga kalokohan TP, malungkot ang buhay ko, oo, pero nasa tamang pag-iisip pa ako, no!,"sagot ni Tuldok.
"Hay salamat!," pabuntong-hiningang sabi ni Tandang Pananong.
Pinasok ng dalawa ang bakuran ng bahay, dahil mukhang wala talagang tao sa loob.
"Nasaan yung nakikita mong nilalang dito? Mukha namang walang kahit ano dito, Tuldok eh!," tanong ni TP na medyo nac-creepy-han na sa kaibigan.
"Meron nga! Teka, halika tingnan natin sa loob ng bahay,"pag-aaya naman ni Tuldok na halatang kinikiliti na naman ng curiousity.
 "Ay, nako plano mo yan di ba? Tapos,idadamay mo pa 'ko? Kaya mo na yan, support kita friend," sagot naman ni TP na halatang ayaw nang sumali sa kung ano na namang naiisip ng kaibigan.
"Napakaduwag mo talaga, TP halika na!," pilit ni Tuldok sa kaibigan.
 "Tuldok,okay lang ako dito. Sige na pinapaubaya ko na lang sa'yo ang experience pasukin yan mag-isa. Ikuwento mo nalang sakin kung ano ang mga kababalaghang nakita mo sa loob," sagot ni TP na mistulang wala talagang interes sa kung anuman ang makikita sa loob.
Walang nagawa si Tuldok kung ‘di pasukin mag-isa ang abandonadong bahay.
"Hello, may ibang nilalang ba dito?," tanong niya sa loob ng madilim na bahay.
Inikot ni Tuldok ang kanyang mga mata, nang may nakita siyang nilalang na nagtatago sa likod ng Pader.
"Hello, huwag kang matakot. Hindi ako masamang nilalang, nais ko lang makilala ka." maamong sabi ni Tuldok.
Unti-unting nagpakita ang nilalang na bakas sa mata ang takot. Nilapitan naman ito ni Tuldok at saka niya ito kinausap.
"Magandang Umaga kahit maulan. Ako nga pala si Tuldok. Pwede mo 'ko maging kaibigan!," masayang bati ni Tuldok, ngunit nanatiling tahimik ang kausap niya.
"Anong pangalan mo, maari ko bang malaman?,”tanong ni Tuldok sa bagong nilalang.
"Osa," tipid na sagot nito.
"Sa iyong pangalan, malamang ikaw ay isang babae, tama ba?," sagot ni Tuldok.
Itinaas baba lang ni Osa ang kanyang ulo upang ipahiwatig na tama ito.
"Bakit, ikaw lang mag-isa dito at bakit mukha kang malungkot?," usisa pa ni Tuldok.
Nagsimulang tumulo sa maaamong mga mata ni Osa ang luha.
"Hindi naman ako mag-isa dito... dati." sagot nito.
 Bakas na bakas sa hilam sa luha na mata ni OSA ang sakit na pinagdaanan niya kaya agad siyang pinatahan ni Tuldok.
"Osa, alam kong 'di pa tayo masyadong magkakilala, pero nais ko sana malaman ang nangyari sa'yo. Kung okay lang sa'yo. Sabi kasi sakin ng kaibigan ko, nakakagaan daw ng loob kapag sinasabi sa iba ang problema,"offer ni Tuldok.
Walang pag-aalinlangan na sinimulan ni Osa ang kwento dahil nadama niyang mabait si Tuldok at nais niya din na gumaan ang pakiramdam niya kahit papaano.
"Tulad ng sabi ko kanina, hindi ako mag-isa dito... dati," napatingin naman si Tuldok sa kanyang ng diretso sa mata.
" Oo, dati, Tuldok. Kasi noon masaya ang bahay na 'to. Punong-puno ng pagmamahal. Simula nang mapunta ako sa mag-asawang kumupkop sa akin mula bata, tinuring nila akong parang unang anak, kahit hindi ako tao. Hanggang nagkaroon sila ng sariling anak, pero hindi nila ako pinabayaan. To make the long story short, yun na nga,hanggang yung dalawang anak nila naging mabait din sa akin, pero nagbago lahat nung lumaki na sila at nagkaroon ng sari-sariling mga pamilya. Yung dating masayang mag-asawa napuno ng lungkot ang mga mata. Madalang na kasing bumisita yung mga anak nila tapos madalas pang galit sa kanila dahil tumatanda sila at mas nagiging alagain,”sabay hikbi ni Osa.
“Madalas ng nagtatalo ang dalawa, pero sa huli pagmamahalan padin yung nangingibabaw. Kahit matanda na sila, parang araw-araw pa rin yung panliligaw ni Mr. Sheer sa asawa niya. Kahit na kami lang ang nandito may pagmamahalan pa rin. Hanggang sa isang araw lahat yun nabura, kasi namatay sa sakit si Mrs. Sheer,” saka na bumuhos ang luha ni Osa.
“Alam mo ba, parang nagunaw ang mundo ng asawa niya noon, halos ayaw niyang bitawan ang kamay ng asawa niya, halos siya nalang ang naniniwalang mabubuhay pa ito pero syempre kasama niya ako dun. Akala ko nga magbabago at babalik sa dati ang lahat after nun, yung mas magiging close ulit mga anak niya sa kanya. Pero mali ako, Tuldok,” pagpapatuloy nito sa kwento na mistulang kinalungkot rin ni Tuldok.
 “Matapos mamatay ng nanay nila isa-isa silang lumayu-layo. Hanggang kaming dalawa nalang ni Mr. Sheer ang natira dito. Ginawa ko lahat para mapasaya siya, tumatanda din ako pero kinakaya ko. Yung mga simpleng pag upo sa tabi niya, simpleng pag-dila sa pisngi niya ginawa ko. Pero ngingiti man siya, alam mong panandalian lang, kasi mawawala agad,”
 “Araw-araw ko siya nakikitang umiiyak habang yakap ang larawan ng asawa niya. Araw-araw niyang pinapanuod yung mga luma nilang videos. Pagkakain kami, laging may sobrang pinggan sa lamesa. Hanggang sa isang araw ,Tuldok, mismong mundo ko na yung nagunaw kasi pati si Mr. Sheer nawala na sa akin, may parte sa akin na masaya kasi alam kong masaya na ulit silang magsasama. Pero nangunguna yung lungkot,Tuldok kasi nawalan ako ng pamilya,”
“Alam mo ba, ilang beses ako sinubukan ialis sa bahay na 'to, pero tinatakot ko sila at bumabalik ako dito. Kasi ito nalang ang nagpapaalala sa akin na naging masaya ako sa mundong 'to sa matagal na panahon," pagtatapos ng humihikbi pa ring si Osa.
Napayuko si Osa at tsaka ulit nagsalita.
"Tuldok, hindi ko na alam kung para saan pa ako nabubuhay, hindi ko na alam ang purpose ng buhay ko," sabay sabi nito na halatang totoo nga ang nasabi.
 Ilang saglit na natahimik ang lugar.Hindi alam ni Tuldok kung paano niya papagaanin ang loob ni Osa.
"Alam mo ba, Osa naglalakabay kami ng kaibagan ko para mahanap yung purpose namin sa buhay? Akala ko malungkot na yung buhay ko, mas malungkot pala yung nangyari sa'yo. Pero naiingit ako sa'yo kasi matagal na panahon mo naranasan mahalin, ako kahit minsan hindi, sana isipin mo yun,“
 “Yung mga happy moments mo with them, yung mga panahong puno ng pagmamahal, for sure pag naging masigla at masayahin ka ulit, matutuwa sila kung nasan man sila,"pagpapatuloy pa ni Tuldok.
 "Mahirap maging masaya, Tuldok. Kasi pag nagiging masaya ako lagi nalang may kapalit. Nakakatakot, maging masaya," sagot ni Osa.
 "Naiintindihan kita, kung bakit ka natatakot maging masaya, pero sana subukan natin," ngiting sambit ni Tuldok.
"Hindi ba't sinabi ko kanina na naglalakbay kayo ng kaibigan mo para mahanap ang purpose niyo?,"usisa ni Osa.
 "Oo. Bakit mo naitanong?"
 "Maari ba akong sumama sa inyo? Tulad ng sabi ko kanina, hindi ko na alam ang purpose ko sa buhay, matanda na ako, Tuldok at gusto ko malaman kung bakit andito pa din ako."
Napangiti si Tuldok sa sinabi ni Osa at agad siyang pumayag.
"Oo naman! Matutuwa si TP nito for sure," sabad ni Tuldok na masayang may bagong kaibigang makakasama sa paglalakbay.
 Nagsimulang lumabas sa bahay ang dalawa.
"Nasaan ang kaibigan mo, Tuldok?"
"Ahhh. Nandiyan lang yun, mamaya magpapakita din yon. Halika na."
"Mag-stay muna tayo dito, napasarap ang kwentuhan natin oh, kaya medyo madilim na. Takot ako sa dilim Tuldok eh,"
"Tama ka, sige halika na at pumasok nalang ulit tayo sa loob, tsaka para naman masulit mo yung bahay, iiwan mo na 'to bukas, kasama lahat ng bitter-sweet memories mo dito. “
“Panibagong buhay?," tanong ni Osa.


 "Panibagong buhay."


Chapter 4
by: Kathleen Garcia
Nagising silang dalawa muli, kasama ang pag-asa sa panibagong umaga na mahahanap na nila ang tunay na halaga ng kanilang mga sarili. Masaya si Tuldok at nakilala niya si Osa at malaman ang istorya ng buhay nito, at ganun din naman si Osa kay Tuldok. Masaya silang matulungan at matagpuan ang isa’t isa. Masayang masaya si Tuldok na may bago siyang makakasama sa paglalakbay niya, na mayroon din palang katulad niya na naghahanap ng purpose sa buhay nila. Kaya naman wala silang inaksayang oras dalawa, at naghanda na sila sa kanilang paglalakbay.
“Ano Tuldok, handa ka na bang matuklasan ang pagkatao mo?” ani Osa.
“Osa, matagal ‘kong hinintay ang araw na ito. Marami na din akong napagdaanan sa buhay ko. I don’t know how I started but I know where I started and I chose what was going to help me. It’s now or never Osa. Sawa na akong maging kung sino lang, na maging isang nilalang na walang dahilan upang mabuhay.”

“Tuldok, naniniwala ako sa’yo, marahil ngayon ay hindi mo pa alam ang tunay na pagkatao mo, kaya naman andito ako tutulungan kita makita ang kagandahan ng buhay. Tuldok, you are like a meaningful poetry, waiting to be discovered. They may not have found you yet, but once you get comfortable in your own skin. So will they. Tara na at baka maiwan pa tayo sa susunod na biyahe papuntang Quapi Buendum-ang tahanan ng mga numero.” pagmamadali ni Osa.
“Saan naman ‘yon Osa? Anong gagawin natin doon?” pagtataka ni Tuldok.
“Malalaman mo din.” Nakangiting sambit ni Osa.
Nagsimula na ang dalawa sa kanilang paglalakbay. The day was bright. Bright as not the ordinary bright. The air had some sort of magic in it. Unti-unti nang lumalamig sa paligid.
“Kakaiba ang araw na ‘to, para bang 
may ibinubulong ang hangin sa akin.” Sambit ni Osa.
Patuloy lang sila sa paglalakad hanggang sa marating na nila ang sakayan papuntang Quapi Buendum. Sari-saring mukha ang nakita ni Tuldok.
“Narito na tayo Tuldok, tinatawag itong lagusan ng mga tao dito. Ito lang kasi ang natatanging daan tungo sa lugar na pupuntahan natin ngayon” sambit ni Osa.
Sumasakay ang mga pasahero sa isang tren na lumilipad. “Diyan din ba tayo sasakay Osa?” tanong ni Tuldok.
“Oo Tuldok, lahat ng mga nilalang na nais makapunta sa Quapi Buendum ay kinakailangang sumakay diyan.” Paliwanag ni Osa.

Namangha lang si Tuldok sa kaniyang mga nakita at naeexcite sa mga bagay na nag-aabang sa kanila sa lugar na sinabi Osa. Sa ngayon isang bagay pa din ang malinaw sa kanya, ang mahanap ang kaniyang purpose

Chapter 5 
By:Nissy Avila

At nagsimula na nga ang paglalakbay nila sakay sakay sa tren patungong Quapi Bendum. Bakas sa mukha ni Tuldok ang excitement and at the same time, ang pag-aalala na baka wala parin doon ang hinahanap niyang kasagutan.

"Osa, makikita ko na kaya ang matagal ko ng hinahanap? Unti-unti na akong nawawalan ng pag-asa dahil sa tuwing akala ko ay dumating na ang kasagutan sa buhay ko ay wala pa pala.", nag-aalalang tanong ni Tuldok sa bago niyang kaibigan.

"Naniniwala ako na makikita mo rin ang matagal mo ng hinahanap sa takdang panahon. Sa ngayon ay ipagpatuloy mo muna ang iyong paglalakbay. Marami ka lang tutuklasan sa iyong sarili.", sabi ni Osa.

"Ngunit napakasakit palang umasa sa isang bagay na walang kasiguraduhan.", dagdag pa ni Tuldok.

"Pero ang buhay ay parang pagsusugal sa isang barya, kung head or kung tail ba . Dalawa lang ang pagpipilian pero parehas na kailangan mong mag-take risk at kung di ka pumili sa dalawa, walang mangyayari." Sabi ni Osa.

"Osya, andito na tayo.", dagdag pa ni Osa habang pababa na sila sa tren na sikasakyan nila.

Nagkaroon ulit ng liwanag sa mga mata ni Tuldok. Ang mga sinabi ni Osa ay nagbigay muli ng ngiti sa mga labi ni Tuldok  at nagencourage sa kanya to look forward again sa darating nilang journey sa Quapi Bendum.

Nagsimula ng maglakad lakad si Tuldok kasama si Osa, not knowing kung saan ba talaga sila tutungo. Kaya naman ay naisipan niyang magtanong kay Osa ngunit napansin niya na matamlay ito.

"May problema ba Osa?", tanong ni Tuldok sa kaibigan na para bang nanghihina.

"Actually, may aaminin ako sayo Tuldok. Mayroon na lamang akong kakaonting natitirang oras dito sa mundo at bilang pasasalamat bago ako tuluyang mawala ay ituturo ko muna sayo kung anong meron sa Quapi Bendum. Dito makiki---" hindi naituloy ni Osa ang kanyang sasabihin at natumba.

"OSA!!!!!!"e.




Chapter 6
by: Richmond 

              Lumipas ang mga oras ng pagiisip, sumagi din sa isip ni Tuldok kung ano nga ba talagang mayroon sa mga huling salita ni Osa.

Habang tinutuloy ang paglalakad ng mag-isa, bakas sa mukha ni Tuldok ang pagdaramdam sa mga pangyayari subalit , sa inaasahang pagkakataon ay lumabas na naman mula sa kung saan ang kaibigan niyang si TP.
Naiba ang pintang nakapatong sa kaniyang mukha, bahagya siyang napangiti, dahil kung kalian talaga siya nangangailangan ng kaibigan, susulpot  na lang ito  na tila ba  alam nito ang presensya ng kaibigan.                                 
           
"Oy! TP!" , hiyaw ni Tuldok.

“Maaari ba kitang sabayan?", tanong ni Tuldok sa kaibigan.

"Syempre naman, actually kanina pa nga ako naglalakad dito, di ko naman kilala ang mga nilalang ditto, wala akong ideya kung  bakit ang weird ng mga       hugis nila ", tugon ni TP.

“May nabanggit nga yung kaibigan kong si Osa e, dapat makikilala mo rin siya kaso kung saan- saan ka na naman pumupunta”,paninita nito sa kaibigan

“Ang daldal mo Tuldok,  ano ba yung sinabi ng Osa na yun? ,pag hindi yan related sa pinag-uusapan natin ah”,pagbabanta  ni TP.

“Ang naalala ko lang kasi yung ex nihilo daw, ano ba ‘yun?”,tanong ni Tuldok kay TP.

“Ako pa tinanong mo”, sarkastikong sabad ni TP.

Habang binabagtas ang planetang Quapi Bendum, bahagya nilang natanaw ang isang nilalang.

"TP, may nakita akong pwedeng pagtanungan banda roon", pagmamadaling bigkas ni Tuldok.

          "Oh sige, hahanap lang ako ng makakainan", paalam ni TP.

“Hoy,  ang daya talaga nito, kung kalian tayo may mapagtatanungan saka aalis na naman……….Wag ka na babalik ah”, sigaw ni Tuldok kay TP na hindi niya na naman  matanaw kung saan.

Nilapitan ni Tuldok ang kaniyang natanaw kani-kanina.Kinilatis niya ito mula ulo hanggang paa.Medyo weird nga lang ang ginagawa niya kasi tinititigan niya talaga ito—bawat sulok nito.

          "Kumusta, ako nga pala si Tuldok", alok niyang pakikipag-usap.

"Ah ako nga pala si zero",malungkot na sagot ng kanyang kausap.

          "Malungkot ka ba, may nangyari ba sa’yo?", pag-aalala ni Tuldok.

Hindi inaasahan ni Tuldok na sasabad ito sa kanyang mga tinuran.

           "Pakiramdam kong hindi ako lagi ang napapansin sa planetang Quapi Bendum" ,sagot ni Zero.

"Alam mo Zero, kaya ako nandito dahil hinahanap ko din yung purpose ko at kung bakit ako nag-eexist, at saka na kinuwento ni Tuldok ang  mga pangyayari sa buhay niya.

Habang sila ay naguusap, dumaan ang isang numero,

"Sandali!, ngayon lang kita nakita sa lugar na ito",pagtataka ni Zero sa numerong napadaan.
"Ah, ako nga pala si one",sagot ng bagong numero.

"At... ano ka naman sa planetang ito?", tanong ni Zero.

"Ako lang naman ang una sa lahat", pagmamalaki ni One.

"Ha?... kung una ka? Pang-ilan naman ako?, at bakit tila binabalewala lang ako ng lahat? At... at paano mo nasabing una ka?",labis na pagtataka ni Zero na halatang ayaw magpadaig.

"Eh sa bawat bilang na aking naririnig ay laging pangalan ko ang unang bukambibig nila", pagtatanggol ni One sa sarili.

"Sabagay, wala pa naman akong narinig na gusto ko ng zero kahit   ano",malungkot na tugon ni Zero na mabilis nanlumo na  naman sa kanyang kalagayan.

"Siguro nga sadyang wala akong saysay na numero, kaya pala sadyang hindi nila ako pinapansin", pabulong niyang dugtong habang nakatingin kay Tuldok na mistulang nahihiya dito.

"Wag kang mag-alala Zero, lahat ng nag-eexist ay may sense, dadating din ang panahon na madidiscover mo ito", payo ni One at umalis at iniwang nakatayo sina Tuldok at Zero.

Sa mga binitawang salita ni One ay nabuhayan ng pag-asa si Zero at lalong lalo na si Tuldok na kanina pa walang imik.

Niyaya ni zero so tuldok na maglakad lakad habang pinaguusapan ang kani-kanilang karanasan.
 
"Alam mo tuldok!... EXNIHILO!...",pahiyaw at nakangiting banggit ni Zero.

"Anong ibig mong sabihin? Anong exnihilo? Parang narinig ko na yan,  ah si Osa, sinabi din ni Osa yan", saka biglang nagkainteres  na rin dito si Tuldok.

"EXNIHILO!... AKO!... EMPTINESS!...", nakangiti paring binanggit ni zero.

"Anong ibig mong sabihin?, emptiness? Exnihilo?", tanong ni tuldok.
"Tuldok! I am something from nothing!", pagpapaliwanag ni zero.
"Ha?..." pagtataka pa ni tuldok.
"Mula sa emptiness may something dun at ako yun,
Dahil may something sa nothing, nalaman ko na! Siguro nga zero ako and no equivalent amount, at sadyang di ako kasama sa bilang dahil bago magsimula ang mga numero, ako muna ang magsisilbing hudyat na hindi pa nagi-start ang bilang dahil nasa ZERO at movement at rest pa ang lahat. EXNIHILO!, I AM SOMETHING FROM NOTHING!" pagpapaliwanang ni zero.  
.
"EXNIHILO!... AKO!... EMPTINESS!...", nakangiti paring binanggit ni zero.
"Anong ibig mong sabihin?, emptiness? Exnihilo?", tanong ni tuldok.
"Tuldok! I am something from nothing!", pagpapaliwanag ni zero.
"Ha?..." pagtataka pa ni tuldok.
"Mula sa emptiness may something dun at ako yun,
Dahil may something sa nothing, nalaman ko na! Siguro nga zero ako and no equivalent amount, at sadyang di ako kasama sa bilang dahil bago magsimula ang mga numero, ako muna ang magsisilbing hudyat na hindi pa nagi-start ang bilang dahil nasa ZERO at movement at rest pa ang lahat. EXNIHILO!, I AM SOMETHING FROM NOTHING!" pagpapaliwanang ni zero.
Matapos ipaliwanang ni zero ang lahat kay tuldok ay agad itong tumakbo sa direksyon kung saan tumungo si one.
"Sige ma tuldok aalis na ako", masiglang paalam ni zero kay tuldok.
Bahagayang nalinawan si tuldok sa mga sinabi ni zero.
Maya maya ay dumating muli si TP.
"Oh TP pagod na pagod ka ata?", tanong ni tuldok sa kaibigan,
"Ah oo, wala kasi akong makitang pwedeng kainan"
Sagot ni TP.
"Ano mga palang nangyari sa kausap mo?", dugtong pa niya.
Nakangiti naman itong sinagot ni TP, 
"Nako!, mahabang kwento".

Chapter 7
By: Travis, Darold, Emman
Dumidilim na at sa unti-unting paglabas ng tatlong buwan ng Lobmys sa kalangitan, nakakita sila Tuldok at TP ng matutulugang kwarto na tinatawag na Startel. Ang silid ay nangingintab sa sobrang daming kulay, wala itong bubong,pero may transparent barrier na nakatakip dito para makita ang tatlong buwan ng Lobmys na isinasamba ng mga citizens ng Quapi Bendum. Nakahigang nagpapahinga ang dalawang magkaibigan, napaisip nalang bigla si TP. “Tuldok, sa tingin mo, may mga katulad pa kaya tayo sa labas ng Lobmys?” tanong ni TP. “ I mean, may mga iba’t ibang nilalang din ba sa ibang planeta? ” dagdag pa ni TP. “’Di ko alam TP.”sagot ni Tuldok. “May nagkwento nga saking matanda kanina sa mga tindahan about sa mga isinasamba nilang diyos at diyosa at hari na nakatira sa tatlong buwan na ‘yon.” “Nakikita mo ba ‘yan?” Itinuro ni Tuldok ang pinakamaliit na buwan na nasa bandang kanluran. “Tinatawag nila itong Amour. Dito daw naninirahan ang diyosang nangangalang Meehra.” “Bakit Meehra? Paano nila nalaman na yun ang pangalan niya?” biglang pagtataka ni TP. “Ang sabi kasi ng matanda, noong panahong hindi pa raw tayo buhay, sinakop ang Quapi Bendum ng mga pirata na pinadala ng isang makapangyarihang hayop na nagmula sa ilalim ng lupa. Pero bago pa makatikim ang mga pirata ng dugo, laman, at kaluluwa, umulan ng tubig at nasunog lamang ang mga pirata. At noong oras na iyon,tapat na lumiwanag ang pinakamaliit na buwan sa kulay ginto. Tinawag nilang Meehra ang buwan dahil ang ibig sabihin ng ‘Meehra’ sa lumang Bendumenium ay ‘inang tagapagligtas’.” kwento ni Tuldok. “Ah! Makasaysayan din pala itong lugar, no?” ayon kay TP. “Eh, paano yung dalawang buwan sa tabing silangan?” itinuro niya. “Hmmmm, yung malaking kulay pula ay tinatawag nilang Khario, dahil sa isang diyos na nagliyab nalang bigla ng apoy sa oras na madugo ang labanan sa Quapi Bendum at ng isang bansang malapit satin.” Sabi ni Tuldok. “At yung isa naman, ay tinatawag nilang Thornos, dahil sa nagiisang haring nakatira diyan.” “Ha? Paano naman nangyari yun?!” malakas na pagtanong ni TP “Hindi raw nila isinasamba si Thornos, ipinagdadasal lang nilang makita niya ang magulang niya. Iniwan siyang mag-isa sa heavenly body na ‘yun. Itinawag siyang hari dahil anak siya ng dalawang high-blood sa ibang planeta.” Sagot ni Tuldok. “Paano siya tinawag na hari eh wala nga siyang kaharian o kahit mga katauhan ‘dun?” tanong ulit ni TP na sobrang nalilito na. “TP, parang ako si Thornos. Pareho kaming naghahanap ng purpose namin kung bakit ako nandito sa Lobmys, at bakit siya lang ang nagiisang nialalang sa moon na ‘yon. Kung bakit umiikot ang buhay ko sa igloo ko, at kung bakit siya umiikot sa daigdig niya. Pareho naming hinahanap ang sarili namin. Pareho naming kinikilala sarili namin. Pareho kaming nawala.” Paliwanag ni Tuldok. “Hindi ka nawawala, kasama mo naman ako.” Sabi ni TP. “Sabay nating sagutin ang mga katanungang bumubulabog saating isipan.” Sabay ngiti niya kay Tuldok at pag tapik sa balikat. “At sana makita ni Thornos ang purpose niya” Sa oras na ‘yon, maayos na nagkakaintindihan ang dalawang magkaibigan sa kung anong haharapin nila. Ngunit, sa oras din na ‘yon, sumigaw ang isang nilalang sa labas ng kanilang tinutulugan na nagpataka sa kanila kung anong nangyayari. Sumilip ang dalawa sa bintana at nakita nila ang isang nilalang na nakatayo sa taas ng kanilang tinutulugan, sa ledge ng sixth floor. “Ale! Baba ka diyan! Delikado ka diyan!”sigaw ng isang numero kasama ang kanyang asawa, si Anim. “Tabi! Ayoko na! Gusto ko na mawala!” sigaw ng babae sa sixth floor. Lumabas si TP upang humanap ng staff ng hotel upang tulungan ang babae habang nakadungaw parin si Tuldok na hindi namalayan ang pag alis ni TP. “P..pumas…sok kayo s….sa loob! W…wala kay…yong maggg…gagawa!” nanginginig na pagsigaw ng babae sa sixth floor. “uhmm, Ate! Wag mong tapusin ang buhay mo! May pag-asa ka pa!” paliwanag ni Siyam na asawa ni Anim. “Pag-asa mo’to! Ano sa tingin mong pag-asa dito! Nasa dulo na ako! Kaya ko na ‘tong tapusin!” sagot ng babae. “Nasa dulo ka na pala eh! Bakit di mo pa tapusin! Bakit di ka pa tumatalon?!” iritang sambit ni Anim. “Ano ba!!! ‘Wag niyo na nga akong pansinin! Matulog na kayo! Hindi ko kailangan ng sympathy ni—ahhhH!!” biglang pagdulas ng babae sa ledge. Sa huling segundo ng buhay niya’y walang matapakan ang dalawang paa, kaliwang kamay ay naka handusay sa hangin, mata’y nakapikit, mundo niya’y nanginig,at ang kanang kamay na nakakapit kay Tuldok mula sa bintana ng fifth floor ng building niya. Ang walang kamalay-malay na pag-abot ng kamay ni Tuldok sa babaeng magpapakamatay ang nagligtas ng isang buhay na nasa dulo na ng lahat ng bagay. “May pag-asa ka pa, tiwala lang. Hindi pa tapos ang kwento mo.” Sabi ni Tuldok sa babae na nakakapit pa rin sa kaniya. Sa pag-angat ni Tuldok, niyakap siya ng babae at walang imik hanggang sa pagbalik sa kwarto nila . “May pangalan ka ba?” mahinahong tanong ni Tuldok. “Wala akong pangalan.” Sabi ng babae na may masamang tingin kay Tuldok. “ Sige ikukuha muna kita ng tubig para mahimasmasan ka” paalam ni tuldok. Pagdating sa kusina nagulat si Tuldok dahil nandoon si TP na naghahanap ng pagkain sa Refrigerator. “San ka ba galing?! ” galit na tanong ni Tuldok. “Lumabas ako para maghanap ng staff ng hotel na to pero, di ko alam kung saan sila mahahanap hehehe kaya bumalik nalang ako ditto para kumain.” Sagot ni TP. Kumuha ng pitsel at baso si Tuldok para makainom ang babaeng tinulungan niya “O sige humanap ka muna ng makakain diyan , kakausaoin ko lang yung babaeng sinagip ko sa kamatayan”. Bumalik na si Tuldok sa kwarto niya upang kausapin ang babae. “O uminom ka na para huminahon ka”. Uminom ang babae at nagsimula na ang kanilang pag uusap. “Bakit ka gusto mong tapusin buahy mo?” tanong ni Tuldok sa babae. “Wala” tulalang sagot ng babae. “So parang papansin lang ganon?” sarkastikong tanong ni Tuldok“Edi sana hindi mo nalang ako pinansin, no?! Sana hinayaan mo nalang akong mawala sa kawalan! At hindi ako papansin!!” sigaw ng babae. “So, anong gusto mo? Hayaan nalang kitang makitang patay sa daan?” biglang pagtanong ni Tuldok. “OO!” “Sa tingin mo ba, may magagawa yang pagpapakamatay mo?” tanong ulit ni Tuldok. “OO! Walang magagawa ang pagkamatay ko, kasi wala nang may pakealam saakin, wala nang nagmamahal saakin! Ubos na ako! Sa tingin mo ba may maghahanap saakin? Ha?” “Wala…...” Sagot ni Tuldok. “YUN NA NGA!” tumayo na sa sobrang inis ng babae. “HINDI AKO TUMAYO SA LEDGE NA YON PARA MAILIGTAS MO AKO! TUMAYO AKO DOON PARA—“ “Para mapagisipan mo kung itutuloy mo pa ba ang buhay mo o hindi.” Biglang sagot ni Tuldok . “hindi pa kasi ako tapos, wala walang may gustong mawala ka, hindi ka tumayo sa ledge na yon para mawala nalang sa mundo. Tumayo ka doon, dahil ilang beses mo nang gustong mawala, pero sa isip mo, ayaw mo pa, dahil takot kang mawala.” Kumalma ang babae, at mabagal siyang umupo sa kaniyang upuan. Tulala sa hangin, biglang pagbagsak ng luha mula sa kanyang mga mata hanggang pisngi, at nagsalita. “Hindi ko ginusto lahat ng nangyari sakin.” Iyak ng babae. “Hindi ko ginustong itaboy ng aking sariling mga magulang, hindi ko ginustong tumira mag-isa sa buhay, hindi ko ginustong tumayo sa ledge na ‘yon.” “Nagkagusto ako sa kapwa kong anyo, sa kapwa kong babae. Minahal ko siya, pero pinalayo siya ng magulang ko.” Hagugol ng babae. “Sabi nila, I’m a disgrace to my family kung magmamahal ako ng kapwa kong babae. Pero wala eh, hindi ko sinunod ang mga magulang ko, hinabol ko yung babaeng minamahal ko kahit bawal, at kahit nakakahiya. Kaya itinaboy nila ako, idinala nila ako dito sa Quapi Bendum at iniwan nila ako sa lansangan nang walang kamalay-malay.” Nagulat ang dalawang magkaibigan sa ginawa ng magulang niya sa kaniya. “Umiyak ako, dahil hindi ko na alam ang gagawin ko. Umiyak ako, dahil mahal ko din ang magulang ko. Pero sabi ko, kaya ko ‘to, okay pa ako, magtutulungan kami ng mahal kong babae.” Kwento niya. “ Pero dito sa lungsod na ito, pinagtitinginan kami ng mga tao, at itinataboy kami sa bawat tulugan na aming mapuntahan dahil bawal ang magkaparehong anyo na magkasama at magmahalan. Iniwan nalang niya ako, sa takot mahusgahan at kahihiyaan. Iniwan niya lang ako, tulad ng mga magulang ko.” “Sinubukan kong tumira at magtrabaho, ngunit di kaya para sa pang-araw araw ko. Wala akong mapuntahan, kaya’t inisip kong tumayo sa ledge na ‘yon at magpakamatay na lamang.” Iyak ng babae. “Gusto mo ba, kami muna makasama mo? Para may makasama ka naman.” tanong ni TP. “Okay lang siguro ako. My life is unfair TP. Mahuhusgahan at maiiwan din ako at wala na akong magagawa doon.” Sagot ng babae. “The world is unfair to everyone, that’s what makes it fair.” Sabi ni Tuldok na nakahawak ang kamay sa balikat ng babae at biglang napaisip. “Ano nga ulit pangalan mo?” “Ako si Kwhate dahil isa akong kuwit"








Comments

Popular posts from this blog

Saya-ng

He's the first