Saya-ng
Paano ka ba nagiging masaya?
Sa isang Lunes ba ng umaga na nakaupo ka sa silyang laan nang nauna?
O naging masaya ka dahil sa gitna ng tensyon
Nahagip mo ang kanyang atensyon?
Mahilig na akong magbiro
Katulad nang kung paano biruin ng buhay na to ang kinabukasan ko
Nakakapagod na
Wala nang ibang Sandalan maliban ang mga salitang di maisatinig dahil wala namang ibang nanghihina kundi Ikaw at iyong paniniwala
Bukas na ko magsusulat
Iiyak muna ako ngayon dahil di pwedeng sabay lumuha ang mata at ang pluma
Comments
Post a Comment