At gagawin na rin kitang akda Katulad ng iba pang dumaan, tumigil, at lumakad Magiging bahagi ka na ng pananatili ko sa mundo At isusulat ko na naman ang bagong pangalan sa listahan ko ng mga sawi Wala kang alam, walang nangyari Walang bago, walang luma, wala lahat Ang tanging pag-asa ay wala, Ang tanging kwento natin ay lalong walang-wala Hindi mo malalaman dahil hindi ko rin naman isasalita At wala kang aasahan, katulad ng natutunan ko sa'yo Sapat na ang hapding nararamdaman KO Oo, inako ko na nang di ka matulad nila, silang matapos manakit ay mataman pang manumbat "Ako naman ngayon," sambit ko sa kawalan Kalakip ng pag-asang sana ,sana sila naman ang masaktan Nakakapagod ang paikot ikot ko sa yugtong ito Ayaw ko man sanang sukuan ka at Kung sana napanindigan ko ang mga salita, diba? Pero alam mo ang masakit? Mahirap magmahal mag-isa Siguro naman alam mo na di sasapat ang pagmamahal ko sa ating dalawa Alam kong ...