"Too often we underestimate the power of the touch,a smile,a kind word,a listening ear, an honest compliment, or the smallest act of caring,all of which have the potential to turn the world around"
Saya-ng
Paano ka ba nagiging masaya? Sa isang Lunes ba ng umaga na nakaupo ka sa silyang laan nang nauna? O naging masaya ka dahil sa gitna ng tensyon Nahagip mo ang kanyang atensyon? Mahilig na akong magbiro Katulad nang kung paano biruin ng buhay na to ang kinabukasan ko Nakakapagod na Wala nang ibang Sandalan maliban ang mga salitang di maisatinig dahil wala namang ibang nanghihina kundi Ikaw at iyong paniniwala Bukas na ko magsusulat Iiyak muna ako ngayon dahil di pwedeng sabay lumuha ang mata at ang pluma
Comments
Post a Comment