Bale, WALA
At gagawin na rin kitang akda
Katulad ng iba pang dumaan, tumigil, at lumakad
Magiging bahagi ka na ng pananatili ko sa mundo
At isusulat ko na naman ang bagong pangalan sa listahan ko ng mga sawi
Wala kang alam, walang nangyari
Walang bago, walang luma, wala lahat
Ang tanging pag-asa ay wala,
Ang tanging kwento natin ay lalong walang-wala
Hindi mo malalaman dahil hindi ko rin naman isasalita
At wala kang aasahan, katulad ng natutunan ko sa'yo
Sapat na ang hapding nararamdaman KO
Oo, inako ko na nang di ka matulad nila,
silang matapos manakit ay mataman pang manumbat
"Ako naman ngayon," sambit ko sa kawalan
Kalakip ng pag-asang sana ,sana sila naman ang masaktan
Nakakapagod ang paikot ikot ko sa yugtong ito
Ayaw ko man sanang sukuan ka at
Kung sana napanindigan ko ang mga salita, diba?
Pero alam mo ang masakit?
Mahirap magmahal mag-isa
Siguro naman alam mo na di sasapat ang pagmamahal ko sa ating dalawa
Alam kong may puso ka rin ,siguro?
Pero wag ka na munang mag-abala
Pramis.
Alam kong sinira ka niya at di mo nga kayang bumitiw sa kanya
Naiintindihan kita.
Patawad kung di kita kayang ayusin, ah
Mahahanap mo rin siya
Di na muna ako titigil sa pabaliktad na ikot ng mundo, sa kinagisnan mo
Iiyak muna ako hanggang sa maluwagan ko ang pisi sa pabalik na pagkabig ko nang paulit-ulit para mapalapit ka dito
Kahit anong gawin ko, wala ring halaga
Dahil masusunod ka, panigurado
Maghihintay pa sana ako, mahal, kaso mukhang may lakad ka pa
Oo, minahal na siguro kita
Wag kang mag-alala, alam ko, mahal, ang mga salitang aking nahulma
Pero di na 'ko aasa pa
Masakit mabalewala.
Comments
Post a Comment