Wag ka nang mag-alala, takot na 'ko Hindi na ulit ako magnanakaw ng tingin sa'yo Dahil...dahil...likas na sa panahong ito ang paglayo At anong haba man ng mga usapan, matatapos din sa dulo Anong saya man ng takbo ng ating paglalandian, magsasawa rin ang isa —maghahanap pa rin ng iba, dahil hindi ako 'siya' ,di ba? Wag kang mag-alala, takot na 'ko Hindi na ulit ako sadyang lilingon sa dako mo Dahil...dahil...masakit, na sa tuwing haharap, iba na naman ang nakatawag ng interes mo At anong ganda man ng suot ko, kukupas na rin ang kulay dahil ilang araw lang ang bibilangin para mawala ang tingkad nito para sayo Wag ka nang mag-alala, takot na 'ko Hindi na magsisimula ng paksa at sasagutin lang ng "Ewan ko" Dahil... dahil...magmumukha na naman akong tanga sa'yo At sukdulan man ang katangahan na 'to, walang epekto dahil sa mahal mo, mahal ko Wag kang mag-alala, takot na 'ko Hindi na kailangang sagutin ang naipong mga tanong ko Dahil...dahil....