Rubiks
Ikot.Pihit patagilid.Tingin sa kanan at kaliwa
Tingin sa dako niya at niya at niya
Tingnan ang kanyang kabuuan.
Sumulyap sa dako kung saan
Titigan ang bawat kulay na bubuo sa katauhan niya
Pero mabubuo pa nga ba?
Di ako marunong magmanipula
At wala na akong balak buuin pa

Sa kalagitnaan ng pagkalito ko sa pagkatao mo
Doon ko nakita ang totoong kinaroroonan mo
Di ka nga magbabago dahil ikaw ang sentro
At nakakaawa ang posisyon mo
Naikot na nilang lahat ang mundong kinabibilangan mo
Di ka ba nag-asam ng mas maayos na persona mo sa sarili mong kwento?

Katorse ka nung nabigyan kita ng regalo
Rubiks yun.Alam ko
Di kasi ako marunong gumamit
Kaya naisip kong ipaubaya sa bagay —na hindi bagay na aking nagamit.
Oo.Aking nagamit.Di ka nga pala bagay
Kaya kung ayaw mong magiba,
Subukan mong mag-iba nang maiba

Sa pagbuo ng isang kwento sa isang bagay na gulo
Mahirap umpisahan kasi baka kusang gumuho
Pag tinamaan ng lintik ang bugso,wag kang papatama sa santol,tol
Dahil bawat matang nakakakita ay humahatol
Kaya di natin kayang sa mundo'y pumatol
Siguradong tayo ang talo sa huli kaya wag nang magtaka kung ika'y sapol

Sa anim na pisngi ng kuwadrong ito
Dun ko unang naramdaman ang pasò
Yung pasò sa puso na simbolo
Simbolo ng mga pisnging bubuo sa istoryang sinulat mo kaya di nabuo
Dun ko unang naramdaman ang pasò
Yung pasò sa puso na simbolo
Simbolo ng mga pisnging bubuo sa istoryang sinulat mo kaya di nabuo
Napansin mo bang naiba na ang konsepto?
Nag-iba na naman kasi ang takbo ng utak ko
Parang pagpihit pabalik at paikot ikot
Iikot nang iikot hanggang sa matulad sa mundo ko
At nang mahilo ka na sa nais mong wakas ng pinagtagpi tagpi mong mga paksa sa kukote mo
Ibang-iba sa sinimulan kong parirala
Kasi di na nga ito mabubuo,sinira ko at mananatili ito
Di man hanggang sa huling hininga ko
Pero pansamantala muna itong magkakalas kalas sa parte nito
At hahanap nalang ako ng ibang pyesang pambuo
Iba man ang kulay.Iba man ang hugis.
Mapunan lang ang puwang na tinanggalan ko ng karapatan
Upang subukang ayusin ang gusot na pinasok ko

Patawad nasira ko pa ang buhay mo.
Comments
Post a Comment