Wikang Isinantabi,Pakinggan,May Sinasabi


Sa ilang libong araw kong pamamalagi sa mundo
Namulat ako sa isang lugar kung saan lahat nagbabago
At tanging yaring pagbabago ang tanging permanenteng siklo
Sa araw-araw man na nilikha ng Diyos ang tao

Magulo ang mundo, base sa pagtingin ng mata
Lahat ng maaaring pag-awayan, papatulan ng mga walang pinag-aralan
Lahat ng maaring siraan, sisiraan ng mga di tumitingin sa salamin
Lahat ng nais pintasan, pipintasan dahil mali base sa kanilang paningin

Pilipino nga naman, tinuringang pag-asa ng mga naunang pantas
Ngayon,itong mga Pilipino'y ikinakahiya ang kanilang antas
Hindi na kinakitaan ng mga binibigkas na sinusumpaang mga panata
Purong opinyong mapagmataas ang mababatid sa kanilang bawat salita

Filipino ang wikang kinagisnan mula pagsilang
Kasa-kasama sa paghakbang mula kuna hanggang sa ilang
Filipino na lingua franca na sinasalita ninuman
Hindi binibigyang halaga dahil sabi nga nila "Filipino? Alam na natin yan"

Hanggang itong mga Pilipino ay nakasumpong ng mga banyagang nguso
Tinalikuran ang kinagisnang wika, sabay sabing "Hi,how are you, annyeonghaseyo"
Lumilipad sa kung saan-saang panig ng mundo—
Babalik sa Patria adorada, ‘di na magsasalita ng Filipino dahil “cheap” daw ito

Nais nga ba natin ng pagbabago?
Sa mga inuusal ng bibig, mukhang mainam pa na wag na tayong maging optimistiko
Dahil higit pa tayo sa hayop na walang kinatatalian ng prinsipyo
At mas malansa na tayo sa mga isdang tinutukoy ni Rizal—bulok na tayo

Wikang Filipino nga dapat ay maging mapagbago
Susunod sa kung paano umiikot ang mundo nating mga modernong tao
Dapat ginagamit yaring wika upang makilala ang lahing hinihintay nina Elias at Ibarra
Hindi dapat ikinukumpara sa ibang kultura

Wikang Filipino nga, tulay ng pagkakaunawaan
Laging nakaantabay kung hindi na kaya ng iyong kalamnan—
Ang pagbuhos ng dugo dulot ng pagkukunwaring itinuran;
Naghihintay na ika’y bumalik sa kanyang kanlungan

Nais pa rin ba natin ng pagbabago?
Magsisimula yan sa pasya mo—sa iyo
Ngayon, kailangan mo nang magsalita nang deretso
Ang kinabukasan ng bansang ito’y nakasalalay sa wika na pinapairal mo




Comments

Popular posts from this blog

A Fairy Song Analysis by William Shakespeare

Liham mula kay Soledad para sa aking ika-18

JP (1)