Rubiks
Ikot.Pihit patagilid.Tingin sa kanan at kaliwa Tingin sa dako niya at niya at niya Tingnan ang kanyang kabuuan. Sumulyap sa dako kung saan Titigan ang bawat kulay na bubuo sa katauhan niya Pero mabubuo pa nga ba? Di ako marunong magmanipula At wala na akong balak buuin pa Sa kalagitnaan ng pagkalito ko sa pagkatao mo Doon ko nakita ang totoong kinaroroonan mo Di ka nga magbabago dahil ikaw ang sentro At nakakaawa ang posisyon mo Naikot na nilang lahat ang mundong kinabibilangan mo Di ka ba nag-asam ng mas maayos na persona mo sa sarili mong kwento? Katorse ka nung nabigyan kita ng regalo Rubiks yun.Alam ko Di kasi ako marunong gumamit Kaya naisip kong ipaubaya sa bagay —na hindi bagay na aking nagamit. Oo.Aking nagamit.Di ka nga pala bagay Kaya kung ayaw mong magiba, Subukan mong mag-iba nang maiba Sa pagbuo ng isang kwento sa isang bagay na gulo Mahirap umpisahan kasi baka kusang gumuho Pag tinamaan ng lintik ang bugso,wag kang papatama sa santol,tol Dahil bawat matang nakak...