Dear Omegle,anong magandang interest?
Alas onse nang magising nang may biglang pumasok sa aking kamalayan
Linggo na rin pala mula noong huli kitang nakausap
Nag-isip ako nang bahagya at nagtanong sa kaibuturan ng kukote
"Ilang katulad mo pa ba ang dadating at matatapos din?"
Mistulan akong nakatanga na naman sa kawalan
Nang biglang nag-ring ang alarm ng cellphone ko na inakala kong naiwan
Alas -dose.Isang oras din pala akong nag-isip kung kailan mo kaya papakawalan ang nakaraan
Kailan mo kaya papalayain ang sarili mo sa isang ilusyon na hindi na matutupad kailanpaman
Siguro,maiwan na kita sa pinili mong paghintuan
May buhay pa akong haharapin kinabukasan
Patawad kung hindi na kita masasamahan sa inyong hintayan
Masyado pa kong maraming problema at alam kong kakayanin mo kung sa pangalawang pagkakataon,ika'y kanyang iiwanan
Sasakay na ako sa susunod na istasyon,paalam na
Sa EDSA,ayaw kong makitrapik at makigulo pa
Hindi ko kasi hilig ang gawain mong ipagsiksikan ang sarili sa iba
Hindi ko gustong mahilo kakapaikot ng sarili ko sa palad nila
Ang sarap takasan ng mundo ko ngayon
Ang saya sigurong maglakbay na naman sa ibang dimensyon
Sasarilinin na naman ang lahat ng hinaing
Mananahimik na naman hanggang sa makahanap na naman ng bagong buhay na guguluhin
Handa ka na naman sa'kin,Omegle.
# 1015195168
Comments
Post a Comment