EJK: Kalibre 45

       Dumako ang mata niya sa relos.Alas 3:00 na ng madaling araw.Masaya niyang sinalubong ang ngiti ng kaibigan.Matagal na rin nang huli silang magkita.Dekada na ang lumipas.

     Ngunit ang ngiti nito'y tila may pagbabadya.Kumaripas ito papunta sa kanya hawak sa kamay ang isang kalibre-45.Sa takot ay napatakbo siya.

Takbo.
Hangos.
Takbo.
Hangos.

     Kaunting pagkakamali lang ay mapapatay siya ng kaibigan.At napatid siya ng lubid.

Nang may pumutok.

Krriiinnnnggggggggg.........Kringggggg...

     Nag-alarm na ang cellphone niya eksaktong alas-2:30 ng madaling araw,nag-ayos na siya upang pumasok na sa trabaho.

     Pero kumukulit pa rin sa kanyang utak ang kaibigang nakita sa panaginip.Mahaba-haba pa ang lalakarin niya.Mga 4 na kilometro patungong bayan.Mga alas 2:50 nang lumabas siya nang bahay at nagsimula nang maglakad.

      May naaninag siya sa di kalayuan.Tiningnan niya ang relos,alas-3:00 na ng madaling araw.

Nakita niya ang kaibigan—tigang ang aura.Nanlilisik ang pulang mga mata,may hawak na kalibre-45.

Comments

Popular posts from this blog

A Fairy Song Analysis by William Shakespeare

Liham mula kay Soledad para sa aking ika-18

JP (1)